Lunes, Mayo 2, 2011

SMART CARD


  J E E P N E Y @ TRICYCLE
         Ang napakatagal ngunit hindi kumukupas na sasakyang pampubliko.Katulad pa rin ng dati ang anyo at serbisyo,pamasahe lamang ang hindi.Bakit?simple lang, at ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Wala rin naman kasing magawa ang mga jeepney at tricycle drivers dahil hindi naman sila ang may hawak sa pamamahala ng presyo ng gasolina.Isa pa,ang Pilipinas ay nag-aangkat lamang ng gasolina sa ibang bansa .Ang tanging magagawa lamang nila ay ipadinig sa pamahalaan ang kanilang mga hinanaing.

       gayun pa man, ako'y natutuwa sa pagkakaroon ng "smart card" pantawid pasada program ng Department of Energy na magbibigay ng diskwento sa mga produktong petrolyo. Nagbibigay ito ng 35 php kada araw sa mga jeepney drivers at 150 php para sa mga tricycle drivers. Kailagan lamang nilang kumpletuhin ang mga hinihinging papeles.


Para sa akin, isa na itong malaking tulong para sa mga jeepney drivers at sa mga tricycle drivers.Kahit papaano ay maibsan ang kanilang mga gastusin. Lalong-lalo na sa mga jeepney drivers na kung minsan ay kakaunti lamang ang pasahero.Kanina nga lang umaga,habang ako'y papunta sa skwela,2 lamang kaming pasahero ang lulan ng kanyang jeepney. Naisip ko tuloy kung ilan ang aking ibabayad ,kung 7 php ba dahil ako'y estudyante o 8 php dahil ako'y naawa sa matandang driver.
       
           Sinasabi ng Department of Energy na ito ay para sa limang taon. Ako'y umaasa na tatagal nga ito at kung maari ay mas magtatagal pa :)  .Natutuwa din ako sa gobyerno sa paglunsad ng ganitong programa sa kabila ng patong-patong na utang ng Pilipinas sa ibang bansa. At sana'y maging hakbang ito sa pag-unlad ng Pilipinas.Kahit alam nating napakarami pang hakbang ang dapat gawin. Ako rin ay umaasa na sa pag lunsad ng programang ito ay walang ibang nangyayari sa likod nito.


source: http://www.gmanews.tv/story/219296/nation/3000-jeepney-drivers-receive-first-fuel-subsidy-cards


1 komento: